Walang katotohanan.
Ito ang pahayag ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasabay ng paninindigan na walang banta ng kudeta kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, posibleng na-out of context lamang mula sa mga pro-group ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing isyu.
Sinabi ni Padilla na imposibleng mangyari ang nasabing kudeta dahil malaking inspirasyon ngayon para sa mga sundalo ang administrasyong Duterte.
“Si Pangulong Duterte pa nga ang nagbibigay inspirasyon sa mga sundalo kapag bumibisita siya sa mga kampo ng militar at inaalam ang mga kalagayan ng mga may sakit at nasusugatang sundalo,” wika ni Padilla.
Binigyan-diin pa ni Padilla na pawang mga propesyunal ang mga nasa AFP na patuloy na tumutupad sa mandato ng Konstitusyon at tumatalima sa kanilang sinumpaang tungkulin.
pa ek ek lang yan…
go ahead sabi ni pres. du30.. takutin ba naman ang taong walang ambisyon na maging pangulo kundi puro trabaho at sakit ng ulo ang hinaharap araw araw…
Over my dead body, I categorically say, do not release and activate the beast in me I will fight any cou against President Digong.