Nagpasalamat si House Majority Leader at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa trabahong ginagawa nito partikular na sa mabusising paghimay ng pambansang budget.

Ayon kay Andaya, ang kagaya ni Sen. Lacson ang kailangan ng Kongreso.

“I appreciate yung trabahong ginagawa ni Mr. Lacson. We need more people like that na talagang hinihimay ‘yung budget,” sbai ni Andaya.

Nilinaw ni Andaya na hindi pork barrel gaya ng paratang ni Sen. Lacson ang P60 milyon na biniyak diumano sa mga miyembro ng Kamara.

“At least na highlight namin ‘yung gusto namin ‘yung gusto naming ipaalam sa members na pantay-pantay ang trato namin sa inyo. Walang nakakalamang,” ani Andaya.

“Hindi niyo kailangang matakot na bumoto…ayon sa kunsensya nyo. Hindi kayo tatanggalan ng alokasyon, hindi paparusahan ang inyong distrito dahil lang sa boto ninyo. I think that’s the message we wanted to send,” ayon pa sa Majority Leader ng Kamara.