Nilinaw ng pamunuan ng National Housing Authority (NHA) na wala silang ibinibigay na libreng pabahay taliwas sa mga lumabas sa social networking sites.
Nagpahayag ng paglilinaw si NHA acting General Manager Marcelino Escalada dahil hindi pa rin umano matigil ang pagdulog sa kanilang tanggapan ng mga taong naniniwala sa maling impormasyong lumabas umano sa Facebook.
Nilinaw ni Escalada na hindi libre kundi abot-kayang pabahay ang programa ng NHA.
Nakalaan umano ang abot-kayang pabahay sa pinakamahihirap na pamilya, mga informal settlers na nakatira sa danger zones, apektado ng infrastructure projects ng gobyerno at kalamidad gayundin para sa mga katutubo.
MGA ISQUATERS LANG NAMAN MAHILIG SA GANITONG CHISMIS,,MAGTRABAHO KAYO PARA MAKABILI NG BAHAY NA MURA..
Mga professiomal squatter mga yan pag binigyan ng bahay after ibebenta at babalik sa squatter