Kinontra ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang pahayag ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na posibilidad na mabago ang kasaysayan ng bansa dahil sa ginawang paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).

“She (Morales) seems to tell us that there is an a­ttempt to rewrite the history because from her point of view, the burying of former, late, President Marcos would be making him a hero, and that would be revision of history. But the problem there, is that, you are making the act of burying a person in a particular burial site as a basis for being a hero. But that cannot be the case,” paliwanag ni Panelo.

Binigyang-diin ni Panelo na walang katotohanan at mali ang paniniwala ni Morales dahil ang paglili­bing kay Marcos sa LNMB ay hindi ginawa bilang pagkilala dahil isa itong bayani kundi dahil naging Pangulo ito ng bansa at sundalo.

Sinabi pa ni Panelo na ang pagkabayani ng isang tao ay hindi nalalaman o nadedetermina kung saan siya inilibing.

Matatandaang sa isang talumpati sa University of the Philippines (UP) College of Law alumni homecoming kung saan kapwa dumalo sina Panelo at Morales ay nagtalumpati ang huli at nagbigay ng nasabing pananaw.

3 Responses