Dahil sa walang mahanap na trabaho, nagpatiwakal sa pamamagitan nang pagbibigti ang 39-anyos na lalaki sa Quezon City kahapon nang madaling- araw.

Kinilala ni SPO1 Marlon Dela Vega, ng Criminal Investigation and Detective Unit ng Quezon City Police District ang biktima na si Arnold Lacerna Villanueva, may live-in partner, tubong Aklan at nakatira sa No. 22 B 201 Mabuhay Compound, Brgy. Sauyo, QC.

Sa inisyal na imbes­tigasyon, natagpuan ng tiyahin na si Salvacion Villanueva Almuete ang nakabigting biktima sa kisame ng kanilang ta­hanan dakong alas-kuwatro nang madaling-araw.

Agad itong nagsisigaw at humingi ng saklolo sa mga kapitbahay at mga barangay tanod at pinagtulungang ibaba ang katawan ng biktima upang isalba sana suba­lit patay na ito.

Tumanggi namang paimbestigahan pa ni Gng. Almuete ang pagbibigti ng pamangkin dahil kumbisido itong nagpakamatay ang biktima dahil nitong mga huling araw ay bugnutin umano ito at sinasabing wala umanong mahanap na trabaho.