Walang Martial Law sa Negros Oriental — Digong

Tinuldukan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga espekulasyon ng posibleng pagdeklara ng Martial Law sa Negros Oriental.

Sa kanyang talumpati sa oath t­aking ng mga opisyal ng League of Cities of the Philippines at Liga ng mga Barangay na ginanap sa Malacañang Martes ng hapon, sinabi ng Pangulo na hindi siya magdedeklara ng Martial Law, at ang sinabi lamang ay gagawa ito ng “drastic” action.

“Look, there will never be a time that I will declare Martial Law. What I said was that I would take drastic action. Martial Law, pati kung lagyan mo lang yan ng mga tropa diyan is the same. It has nothing to do with ano.. you do not go after innocent people. Martial Law you go after the lawless elements, so why you have to declare it. Why do I have to tell Congress,” anang Pangulo.

Gayonman, sinabi ng Pangulo na kung hindi matitigil ang karahasan at kaguluhan sa Negros Orierntal, posibleng magdeklara ito ng ibang bagay.
“Now, if it’s really something…gumaganon ang bayan, well I might declare another thing, and that is for you to guess what would it be.

Pero Martial Law, suspension of writ of habeas corpus, it’s just a proclamation, nothing. You don’t go after innocent people, you don’t go after law abiding. You only go after the criminals and those who sow disorder in this country. Let us make it clear, I will never declare Martial Law, except in Mindanao, talagang kaila-ngan,” dagdag pa ng Pangulo.

Pero hindio nagbigay ng dagdag na detalye ang Pangulo kung anong aksyon ang gagawin nito kapag hindi nakontrol ang kaguluhan.

Ang tinutukoy na “drastic action” ng Pangulo sa Negros Oriental ay ang pagdaragdag ng puwersa ng militar sa lalawigan para labanan ang mga komunistang naghahasik ng karahasan sa nabanggit na lugar. (Aileen Taliping)