Walang Olympics kung may Covid pa sa 2021

Wala pa ring katiyakan kung hanggang kailan mamiminsala ang COVID-19 at kung sakaling magpatuloy ito ay posibleng tuluyan nang kanselahin na lang ang 32nd Summer Olympic Games 2020 at 16th Summer Paralympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na mga naiurong na sa 2021 mula sa taong ito.

Idaraos sana ng Tokyo Organising Committee of the Olympic and Paralympic Game (TOCOG) 2020 Olympic Games ang regular games sa Hulyo 24-Agosto 9 at ang para sa differently-abled athletes ay sa Aug. 25-Sept.

Pero dahil sa global outbreak, sa July 23-Aug. 8, 2021 at Aug. 24-Sept. 5, 2021 na mga isasagawa ang dalawang kompetisyon ng host country at International Olympic Committee (IOC) matapos magkasunod noong Marso.

Ayon kay TOCOG o Tokyo 2020 President Yoshiro Mori, tuluyan n lang nilang kakanselahin ang Olympics kung magpapatuloy ang pamamemerwisyo ng coronavirus 2019 hanggang sa 2021.

“In that case, it’s cancelled,” ani Mori.

Pinanapos ni Mori na positibo pa rin naman siya na masusugpo ang Covid at mabibigyang daan ang maayos na dalawang sportsfest sa susunod na taon. (Elech Dawa)