Walang padyakan sa Tour de France

Hindi pa nakakansela maski isang beses ang Tour de France sapul ituloy noong 1946 pagtapos ng World War II.

Gayunmnan, nahaharap ang Tour de France sa posibleng postponement o malamang kanselasyon sa kasaysayan makalipas ihayag ni French President Emmanuel Macron na lahat ng mga malalaking cultural at sporting event ay hindi puwedeng isagawa hanggang kalahatian ng Hulyo na siyang pinakamaaga.

Ito ay bunsod nang lockdown restriction hanggang Mayo 11 bagaman ang ban sa mass gathering ay magtatagal sa mas mahabang panahon dahil sa coronavirus disease 2019 pandemic.

Nakatakdang pumedal sa Nice sa Hunyo 27 ang ika-107 edisyon ng bikaton, pero imposibleng bigyan ito ng permiso dahil sa ipinapatupad na government measure sa pagnanais mapigilan ang mas malawak na pagkalat ng nakamamatay na COVID-19.

Mayroon na sa kasalukuyang 15,000 namatay sa COVID-19 kung saan ang France ang isa sa pinakamatinding tinamaan sa mga bansa sa buong mundo.

Hinirit naman ngrace organizer Amaury Sport Organization na pabor sila sa postponement kumpara sa tuluyang kanselasyon kung saan maraming personahe sa loob ng sport ang nagbabala na ang kanselasyon ang magdudulot sa pananaw sa sa road cycling bukod pa sa kikitain ng karera ng bisikleta.

“Road cycling’s model may collapse if the race cannot go ahead,” ultimatum ni Deceuninck-QuickStep general manager Patrick Lefevere.

Malamangh na maging bagong petsa ng Tour ang Agosto sa pinakamaaga matapos iniulat ng L’Est Républican na kinumpirma ni Macron sa televised address na walang magaganap na Tour sa Hulyo. (Lito Oredo)