Walang pahinga

balik-bayan-box-ofw-2 bayani ka

Sir/Mam,

Gusto ko na po makauwi ng Pilipinas ‘di ko na po kaya ang trabaho grabe sila magpatrabaho walang pahinga. Kulang sa lahat ng bagay.

Sir, parang awa niyo na po sana matulungan niyo ako makauwi na. Maraming salamat po. Sa gabi kahit pagod na pagod na ako pilit pa ring pinalinis ng amo ko sa akin ‘yung kuwartong hindi naman ginagamit, dahil po ang bigat nu’ng kama at upuan. Tinutulak ko lang po hangggang nabasag ‘yung salamin ng isang upuan pero basag na rin ‘yung isa matagal na kung baga lumang-luma na.

Galit na galit siya at ikakaltas niya raw sa sahod ko dapat daw 500 Saudi Riyal lang o 800 Saudi Riyal sahod ko.

Noong una po ‘pag nagkakamali ako pinupokpok niya ulo ko.

Kaya sana, sir, sana matulungan na ninyo ako.

Rhodora Ricalde Umali

***

Si Rhodora Ricalde Umali ay umalis ng Pilipinas noong Oktubre 21, 2015 sa pamamagitan ng recruitment agency sa Pilipinas na Rejoice Employment International Corporation na ang counterpart sa Saudi ay Corner Hurimala A Recruitment Office at idineploy sa employer nitong si Dalal Suleiman Abed Aljbab, Qurayat, Saudi Arabia.

Ang hinaing ni Ms. Umali ay nauna nang naiparating ng U-OFW sa pamamagitan ni G. John Leonard Monterona sa POLO-OWWA RIYADH, OWWA RAD, POEA REPATRIATION UNIT at OFFICE OF THE POEA ADMINISTRATOR pero wala pa ring nagiging tugon kaya muli tayong nananawagan sa nasabing mga tanggapan na bigyan ng kaukulang atensyon ang hinaing na ito ni Ms. Umali.

Ang BayaniKa ay makikipag-ugnayan sa OWWA at POEA para hingin ang komento sa kasong ito at amin pong ilalathala sa mga susunod na isyu.