Walang pake sa curfew sa Makati, 4 tumoma dinakma

Inaresto ang apat na lalaki matapos ng mga itong labagin ang umiiral na Enhanced Community Quarantine at nagawa pa ng mga itong uminom sa pampublikong lugar sa gitna pa ng general curfew sa Makati City.

Nabatid na sa ilalim ng Luzon-wide Enhanced Community Quarantine, pinapayagang lumabas ang isang miyembro lamang ng pamilya para bumili ng pangunahing pangangailangan.

Pero sa kaso ng apat ay dinampot ang mga ito dahil sa pagkontra sa ‘lockdown’ at paglabag pa sa batas matapos na lantarang uminom. (Armida Rico)