Walang pampaospital hinintay ang kamatayan sa bahay

“Umalis na lang siya ng pagamutan, nakayuko ang ulo at lulugo-lugo kasi wala siyang perang gagastusin sa pampagamot sa kanyang sakit.”

Ito ang inihayag ni Barangay Chairman Restituto Pineda, ng Barangay 397 Zone 41 kay PO3 Joseph Kabigting, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section ­matapos matagpuang walang buhay ang biktimang si Eddie Laruga, 42, tubong Atimonan, Quezon sa loob ng kanilang barung-­barong na itinayo sa ­bakanteng lote sa tabi ng Juan Luna Elementary School sa G. Tolentino St. Sampaloc, Maynila, alas-6:30 ng umaga ng kanyang kinakasamang si Felisitas Ibanes.

Bago natagpuang ­patay ay nagpa-check-up ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) dahil sa iniinda nitong sakit na tuberculosis kung saan ay pinayuhan ng mga doctor na magpa-confine sa San Lazaro Hospital pero tumanggi ito dahil sa kawalan ng perang gagastusin sa pagpapagamot hanggang umalis ng pagamutan at umuwi sa kanilang barung-barong.