Tiniyak ni Mayor Isko Moreno na mananatili ang kanilang pagbaba­wal sa mga vendor ngayong Kapaskuhan sa mga pangunahing lansangan sa Maynila partikular sa Divisoria.

Sinabi ni Moreno na tapos na ang mga araw kung saan ang mga vendor ay ‘panginoon’ sa mga kalsada sa Maynila.

“Nakagawian na kasi ‘yan. ‘Pag panahon ng Kapaskuhan, lahat ng kalsada puno ng vendors. Ang katwiran, tutal Pasko naman. Tapos alam niyo na kung ano ang kapalit,” ayon kay Moreno.

Sinabi ni Moreno na hindi biro ang ginawang paglilinis ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga vendor para maibalik lamang ang kalsada sa mga motorista at pedestrian.

“We have to consider the grea­ter good of the greater majority— the pedestrians, commuters, moto­rists and residents of Manila in gene­ral— who are adversely affected by the lack of roads they could traverse or walk on.

These roads are beyond the commerce of men,” dagdag pa ni Moreno.

Matatandaan na kabilang sa mga unang direktiba ni Moreno nang maupo bilang alkalde ay ang clearing ope­ration sa mga vendor na nakapuwesto sa mga pangunahing lansangan ka­tulad ng Divisoria, Claro M. Recto A­venue, Juan Luna, Blumentritt, at Quiapo. (Juliet de Loza-Cudia)