Walang permit na mga proyekto inireklamo ng N. Ecija mayors

LICAB, Nueva Ecija — Lahat ng proyekto na pinondohan ng anumang government agency ay dapat ikuha ng kontratista ng kaukulang building permit sa munisipyo na pagpapatayuan nito.

Ito ang ipinag-utos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) bilang suporta sa reklamo ng mga alkalde sa Nueva Ecija na kadalasang hindi pakikipag koordinasyon sa kanila ng mga nagpapagawa ng lansangan, tulay, silid-aralan at iba pang istraktura sa kanilang lugar.

Sa ginanap na buwang pulong ng League of Municipalities-Nueva Ecija chapter sa Mangga­han Resort dito noong Sabado ay ipinahayag ni Peñaranda Mayor Ferdinand Abesamis, pangulo ng liga, na kadalasang wala silang kaalam-alam sa mga proyekto, pero kapag pumalpak, mayor ang nasisisi.