Walang pinapanginoon

payong-kapatid-box kuya rom

Dear Kuya Rom,

Paano ko sasabihin sa kanya na tumigil muna kami sa kalokohan? Masasabi kong happy kami. Stable ang relationship namin. Pero, lately, may pagbabagong nangyayari sa akin.

Ako ay 24, ang girlfriend ko, 22. Kami ay 2 years na. Nabaliw kami sa kamunduhan noon, countless times. Pero ngayon, hindi ko na magawa ang mga kalokohan namin.

Naramdaman niya ang pagbabago. Bakit daw ako malamig sa kanya ngayon?

Sinabi kong tapat ako sa kanya, at walang ibang babae sa buhay ko, kaya wala siyang dapat ikabahala. Sabi niya, hindi siya komportable sa mga nangyayari sa akin. Napansin niyang hindi na ako mahilig magpatawa ng kabastusan, at dahil dito, huminto na rin siya sa mga green jokes niya. Para sa kanya, boring na akong kasama.

Nami-miss daw niya ang lovemaking ­namin. ­Inamin ko sa ­kanya na gusto ko rin ang sex, pero sabi ko, kasalanan ito kung hindi pa kami mag-asawa.

Alam kong gusto niyang sumagot, pero hindi niya alam ang kanyang isasagot. Sabi ko, darating din kami doon, magiging araw-araw pa, kapag kasal na kami.

Gusto ko sanang magpakasal kami sa madaling panahon, pero ayaw niya. Marami pa raw siyang gustong gawin. Ayon sa kanya, love niya ako, bakit daw hindi na kami physically close tulad noon?

Ako’y dating halang ang kaluluwa. Walang pinapanginoon. Ginagawa ko ang gusto ko.

Pero hindi ko na ­ngayon magawa ang mga dating ginagawa ko. Ako ay nagbago, sapagkat may panampalataya na ako sa Diyos ngayon.

Paano na raw kami, makaiba na kami sa maraming bagay na ­aming pinaniniwalaan ngayon? Mahal ko siya, at ayaw kong mawala siya sa aking buhay. Pero siya ay frustrated sa akin. May pag-asa bang magkatuluyan kami? — Marlon

Dear Marlon,

Kahanga-hanga ang ginagawa mong pagpipigil ng sarili. Isang dakilang gawa ang panindigan mo ang iyong pananampalataya.

Dahil dito, magkaiba na kayo ng girlfriend mo sa maraming bagay. Nahihirapan ang kanyang isip, nabibigatan ang kanyang puso, siya ay frustrated, sapagkat hindi niya alam kung paano niya tatanggapin ang pagbabagong nangyayari sa iyo.

May pagmamahal na unawain mo siya. ­Hindi niya naiintindihan ang nangyayari sa iyo, na ang pananampalataya sa Diyos ay pinakamahalaga na sa iyo ngayon.

Mamuhay ka ng may pag-ibig. Lumakad ka sa pag-ibig. Huwag mong ipilit sa kaniya ang iyong pinaninindigan. Igalang mo ang kanyang paniniwala, at hingin mo sa kanya na igalang din niya ang iyong pananampataya.

Ang ­pananampalataya at dala nitong ­pagbabago ay bahagi na ng iyong pagkatao ngayon.

Kung ­mahal ka niya at mahal mo siya, ipanalangin mong bigyan siya ng Diyos ng bagong puso at bagong pag-iisip upang makita niya na mabuti ang pagbabagong nangyayari sa iyo. Sa biyaya ng Diyos, magkakatuluyan kayo. May God bless you!

Payong kapatid,
Kuya Rom