Mariing itinanggi kagabi ni Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino dating Special Enforcement Service Unit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na pini-pressure ito para tumestigo laban kay Senator Leila de Lima.

“Categorical ko pong dini-deny na pini-pressure ako o may nananakot o nagko-coerce sa akin on the side of the government upang magsalita laban sa kanya (Senator De Lima),” pahayag ni Marcelino sa isang press conference kagabi.

Sinabi pa ni Marcelino na tinext nya ang kanyang mistah sa Philippine Military Academy (PMA) na kamag-anak ni De Lima.

Paliwanag ni Marcelino ang nilalaman ng kanyang text ay “word of encouragement” kay De Lima at walang tungkol sa pilitan kagaya ng inilulutang ng senadora.

Gayunman, aminado itong may nagtanong sa kanya kung may masasabi siyang negatibo tungkol kay De Lima at ang kanyang naging tugon ay “wala akong masasabing labag sa katotohan.”

Ikinakabit naman sa kontrobersiya ni De Lima ang pagbaligtad ng Department of Justice (DOJ) sa drug case ni Marcelino dahil sa sinasabing text message nito.

Si Marcelino, dating intel officer ng PDEA, kasama si Yan Yi Shou, ay naaresto sa drug raid noong Enero 21 sa isang bahay sa Sampaloc, Maynila kung saan tinatayang P380 milyong halaga ng droga ang nakumpiska.

2 Responses

  1. ANO BA NAMAN ANG MAITUTULONG MO MARCELINO? EH PAREHAS LANG KAYO NA DE LIE MA NA PATONG SA DRUGS…….TAMA NA YUNG MAKULONG KAYO PAREHO KAYSA MAG GAMITAN PA KAYO PARA LANG MAKALAYA ANG ISA SA INYO….HAHAHA