ALIW na aliw ang diva that you love sa isang video clip na ang pamagat ay “Jan Fabre’s Mount Olympus — To glorify the cult of tragedy”.

Historical ang kiyeme­ latik. The glory that was Greece ang emotada ­encarnacion.

Ang kalalakihan, tanging puting kumot ang nakabalot sa kanilang hubo’t hubad na mga katawan.

At sila ay magsasayaw na ang main step ay ang pagkanyod. Kitang-kita ang kanilang mga ari-arian habang sumasayaw.

Mga lalaking walang takot!

Mga lalaking sinusunod ang mantra ni David Duchovny na “it’s just a penis, you know.”
Is it art? Is it vulgarity?

Walang panama rito ang UP Oblation Run.

Wala sigurong magiging mapangahas na gagawa nito sa ‘Pinas knowing na kahit paano, konserbatibo pa rin ang ating lipunan.

Ang kabuuan ng palabas na Mount Olympus ay 24 oras.
Nag-premiere ito sa Berlin noong Hunyo 27, 2015.

Ang mga naka-schedule pa nitong pagtatanghal ngayong taon ay sa September 15 (La Villette, Paris, France) at September 23 (BITEF Festival, Belgrade, Serbia).

Inaayos pa ang performances nito para sa 2018.