Hinimok ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go ang publiko na ­huwag mag-panic sa banta ng novel coronavirus (nCoV) at halip ay manatiling ­kalmado at makipagtulungan sa gobyerno.

Nanawagan din si Sen. Go na huwag magpakalat ng mga impormasyon sa social media na posibleng magdulot ng takot at pagkabahala ng publiko ­hinggil sa nasabing karamdaman.

“Huwag tayong magdagdag sa problema. Tulungan natin ang ating kapwa Pilipino. Hindi tayo dapat mag-panic, at hindi tayo dapat magsiraan. Huwag tayong mag-spread ng fake news. Huwag tayong magkalat ng takot sa ating mga kababayan,” ani Go.

Sa halip, inimbitahan ni Go, Chairman ng Senate Committee on Health, ang publiko na tumutok sa isasagawang senate hearing bukas araw Martes (Pebrero 4) para malaman ang totoong kalagayan ng naturang virus at ang ginagawang paghahanda ng pamahalaan.

“Ang target ko rito sa committee hearing, pakinggan natin ang lahat, kung paano tayo magtutulungan. Hindi ito ‘yung panahon na magsisihan tayo. ­Tanungin natin ang mga health official ano ba ang dapat nating gawin ­araw-araw, step by step,” pahayag ng bagitong Senador.