Maraming storyline ang mapupulot sa katatapos na UAAP 81 women’s indoor volleyball finals ng mga agila at tigre.
Muling bumalik sa tuktok ang Ateneo Lady Eagles, tinapos ang tatlong taong sunod na pagrereyna ng mortal na karibal na La Salle Lady Spikers, pinakita ni coach Oliver Almadro ang kanyang “Midas Touch” sa paglipat sa bakuran ng Loyola Heights.
Samantala, nanatili pa rin ang pagkauhaw sa tropeo ng Sto. Tomas Golden Tigresses, bigong maiuwi ang kampeonato sa España na huli pang nakuha siyam na taon na ang nakakalipas.
Kasunod pa nito ang tuluyang pag-alis ng binansagang ‘living legend’ na si Sisi Rondina na magpapasikat naman sa pro league (PSL) tapos dominahin ang UAAP.
Pero ‘di ibig sabihin na ‘di happy ending ang kanilang naging Cinderella story.
Hawak nila ang batang superstar na si Eya Laure, samantalang sa susunod na season ay babalik na ang dalawa pang pambato ng USTe na sina Milena Alessandrini at ang kapatid ni Eya na si EJ Laure.
Posible ring sila ngayon ang nagdiriwang, magugunitang nagka-injury sa Game 2 si Eya at sa winner-take-all Game 3 nawala ang pokus sa laro.
Baliktad naman ang sitwasyon ng Ateneo.
Dadaan sa matin-ding roster shake-up ang team sa pag-graduate ng kanilang mga starter na sina Finals MVP Bea de Leon, Maddie Madayag at ang pag-alis din ng Fil-Canadian na kanilang top scorer sa finals na si Kat Tolentino.
Pero ang ADMU ang isa sa pinakamagaling na koponan pagdating sa recruiting, nanatili ang pagiging powerhouse team tapos ang Fab Five Era kung saan nakasama sina Alyssa Valdez, Gretchen Ho, Fille Cainglet, Amy Ahomiro at Denden Lazaro.
Malayo-layo pa bago muling bumalik ang collegiate volleyball action sa bansa, ngayon ay aabangan kung saan sasalang ang mga nagsi-graduate na sina Rondina (Petron), De Leon, Tolentino at Madayag.
***
Patuloy pong suportahan ang sports online show ng Abante na “Sportalakan” at kung mayroong gustong itanong o opinyon, maaaring po kayong mag-email sa raymarkpatriarca@gmail.com.