Nagsumite ng double-double na 17 points, 14 rebounds si Jack Animam at nilapa ng National U Lady Bulldogs ang FEU Lady Tamaraws 80-69 sa UAAP Season 79 women’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena.
Angat sa 6-0 ang Lady Bulldogs, dumikit na sa pagwalis sa mga asignatura sa first round. Inilista rin ng NU ang pang-38 sunod na panalo mula pa noong 2014.
Naglabas din ng all-around game na 16 points, eight rebounds at six assists si Gemma Miranda sa NU. Nagdagdag si Ria Nabalan ng 15 markers, at tumapos ng double-double (13 points, 10 rebounds) si reigning MVP Afril Bernardino.
Sumakay ang Adamson sa 18 points ni Kay Pingol para takasan ang UST 66-62 at tinapos ng Lady Falcons ang first round campaign sa 3-4. Bagsak sa 2-4 ang Tigresses, naboan sa 1-5 ang Lady Tams.