Walker, Celtics 8-diretso

Tatlong key 3-pointer ang tinuhog ni Kemba Walker sa fourth quarter at iniwan ng Boston ang Dallas Mavericks 116-106 Lunes nang gabi sa unang laro ng Celtics na wala si Gordon ­Hayward tapos sumailalim sa ­operasyon sa nabaling kaliwang kamay.

Tumapos si Walker ng 29 points, nagdagdag si Jaylen Brown ng 25 points at 11 rebounds .

Nag-ambag si Daniel Theis ng 11 points, 10 kay Brad Wanamaker sa pang-walong sunod na panalo ng Celtics matapos isuko ang opening game sa Philadelphia.

Inalat sa 1 of 18 shooting si Jayson ­Tatum at nagkasya lang sa 5 points sa Celtics.

Hindi nailigtas ng 24 points, 6 rebounds at 9 assists ni Luka Doncic ang Mavericks, ­humugot pa ng 15 points at 8 boards kay Maxi Kleber. Nadiyeta rin sa 4 points mula 1 0 f11 shooting si 7-foot-3 Kristaps Porzingis.

Nagkasa ng 11-2 spurt ang Boston sa loob ng 1 ½ minutes para baliktarin ang two-point deficit tungo sa 101-94 lead, 4:11 pa. Ibinaon ni Walker ang tatlong 3s sa loob ng 1:09 ng run.

Kinuha ng Dallas ang first lead 88-86 sa one-hander ni Tim ­Hardaway Jr., hawak pa ng Mavs ang 92-90 edge bago nag-take over si Walker. (VE)