Sa semifinals ng Eastern Conference nang nagdaang season, inatake ng Milwaukee ang butas sa gitna ng Boston para sipain ang Celtics sa limang laro.

Miyerkoles ng gabi, bumawi ang Celtics.

Nilista ni Kemba Walker ang 21 sa kanyang 32 points sa second half at nag-rally ang Boston para hiyain ang Bucks 116-105.

Nag-ambag si Jayson Tatum ng 25 points, may 21 markers­ at 10 rebounds si Gordon Hayward sa balanseng scoring ng Celtics. Tumapos si Marcus Smart ng 19 points at 6 assists.

“We’ve got so many talented guys on this team everybody should be chipping in to be the team we want to be,” giit ni Tatum.

Dominado ng Bucks ang first half, lumayo pa ng hanggang 19. Sumagot ang Celtics sa third quarter sa ikinasang 26-7 run sa final 6:38 ng period tungo sa 80-76 lead papasok ng fourth.

Tinuloy ng Boston ang momentum, inum­pisahan ang final period sa 11-4 run para sa 91-80 abante.

Nagsumite si Giannis Antetokounmpo ng 22 points at 14 rebounds, pero nawala sa diskarte ang reigning­ MVP sa dulo nang matawagan ng hard foul kay Smart bago na-technical sa final minute.

“Nothing,” sagot ni Antetokounmpo nang matanong sa hard foul. “I tried to go for the rebound. He tried to go for the rebound. Two guys that play hard and we both ended up on the floor.”

Namuno sa Milwaukee ang 26 points ni Khris Middleton. (VE)