Wally at Angelica, waging comedy actor at comedy actress

Wally Bayola

Ang sikat na Lola Nidora ng kalyeserye ng Eat Bulaga na si Wally Bayola ang tinanghal na Comedy Actor of the Year, habang si Angelica Panganiban ng Banana Sundae ang Comedy Actress of the Year.

No show si Angelica.

No show rin si John Arcilla ng hit historical movie na Heneral Luna. Si John ang kinilalang Male Breakout Star of the Year.

Variety Show of the Year ang Eat Bulaga, na tinanggap nina Alden, Wally, Anjo Yllana, Ruby Rodriguez at Tita Malou Choa-Fagar.

Comedy Show of the Year ang Sunday PINASaya at Reality Show of the Year ang The Voice Kids Season 2.

Sina Mikael Daez at Jasmine Curtis-Smith ang nag-host ng event.

Kabilang sa mga nag-perform si Angeline Quinto na ang comment ng ibang press ay mukhang mahabang pantulog ang outfit tapos ay walang suot na bra!

Angelica Panganiban
Angelica Panganiban