Walwal, wantusawang lafang bawal pa

Sa mga mahilig lumafang at makipagwalwalan, teka-teka pa rin sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) dahil Ipinagbabawal pa ang buffets, self-service at inuman sa mga restaurants.

Nabatid na inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang guidelines ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa dine-in restaurants at fast food establishments. Bagamat pinayagan na, hindi pa rin ito nangangahulugang puwede nang tumodo sa kainan at inuman.

“Dine-in operations are allowed, but it does not mean we can hold a feast or engage in a drinking spree,” ayon kay Roque sa ginanap na virtual press briefing.

Mananatiling sarado ang mga play areas at ang mga restaurant ay may nakahiwalay dapat na hand washing sinks at basins para sa kitchen staff at dine-in customer.

Sa mga lugar na idineklarang nasa ilalim ng MGCQ, ang dine-in restaurants ay pinapayagan na mag-operate ng hanggang 50% kapasidad epektibo Hunyo 1. (Juliet de Loza-Cudia)