Kinalampag ng isang senador na kaalyado ng administrasyon si Pangulong Rodrigo Duterte na gumawa ng kaukulang hakbang upang matigil ang paggamit ng siren o wang-wang sa kalsada.
Iginiit ito ni Sen. JV Ejercito matapos na mairita sa nakitang convoy ng VIP nitong Linggo ng tanghali na may tatlong motorcycle escort at dalawang backup car.
“Wang-wang is back! Hope President Duterte should stop this asap. Just saw a VIP convoy with 3 motorcycle escorts and 2 backups on a Sunday!” ayon sa tweet ni Ejercito kahapon.
Kung maaalala, ang wang-wang ay pinatigil ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III nang maupo ito sa puwesto noong 2010 kung saan sa loob ng anim na taon ay naging tahimik ang kalsada maliban na lamang sa wang-wang ng mga ambulansiya, bumbero at police car.
Nang mawala sa puwesto si Aquino, kapuna-puna ang pagbabalik ng mga wang-wang sa kalsada.
dapat lang ang wang wang sa presidente…….
Kasama yan sa pagbabago….ano ba paki alam nyo?
e di WOW…
Na wang wang n talaga mga utak ng mga kampon.