
Officially disbanded na nga ang Wanna One sa huling gabi ng apat na araw na concert nila sa Gocheok Skydome, Seoul. Ginanap ito mula January 24-27. Nag-perform sila ng mga hit song nila mula sa Produce 101 Season 2.
Sa kanilang official Twitter account na @WannaOne_twt, nag-post sila ng mga picture na magkakasama at may hawak na message at caption na, “We’ll greet Wannables like it’s the first time again. Two, three! All I Wanna do, Wanna One! Until now, this has been Wanna One. We truly loved you. # EveryPathOfWannaOneWillGoDownI nHistory.”
Sumunod nilang post ay mga video ng kanilang mahigit isang taong journey as one of the shortest but most successful boy band formed.
Hindi lang mga fan ang dumagsa kundi pati ang mga Korean star sa 4-nights concert nila. Noong unang gabi ay namataan na sina BIGBANG Seungri, South Korean actors-Ahn Jae Hyun at Park Seo Joon.
Sa huling gabi ng concert nila ay mas marami pang celebrity ang nanood tulad nina Jeon Seomi, Jeong Sewoon, Heize at iba pa. Siyempre, hindi maiiwasan ang mag-iyakan, lalo na ang mga tagahanga nila na talagang passionate rin ang ibinigay na pagmamahal at suporta sa grupo.
Ngayon ay balik na ang bawat isa sa kaniya-kaniyang agency. Magsisimula na sila sa bagong kabanata ng kanilang career, bilang mga solo performer/artist.
Sa mga hindi pa nakakaalam, expected na talaga ang pagdi-disband ng grupo. December 31, 2018 pa nga sana, pero na-extend pa ito at ipinagpatuloy ang iba pa nilang promotion at ang last 4-night concert nila.
Nabuo ang Wanna One sa pamamagitan ng Produce 101 season 2 after nilang manalo. Isang taon sila na magiging grupo. Bawat isa sa 11 members ay mga nakakontrata sa iba’t ibang agency.