Wanted na businessman mas piniling mamatay kesa makulong

Mas ginusto pa umano ng isang negosyante ang maagang kamatayan kesa sa makulong nang bawian ito ng buhay matapos manlaban sa mga pulis na huhuli sa kanya sa Caloocan City, Miyerkoles nang gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Valenzue­la City Medical Center si Domici, 37-anyos, taga-Barangay 167, Caloocan dahil sa tinamong mga bala ng cal. 45 at .9mm sa katawan.

Ayon kay P/Capt. Albert Juanillo, head ng Station Investigation and Detective Management Branch, may mga pending arrest warrant sa negosyante.

Sinasabing naaresto sa Valenzuela City ang negosyante bago mag-eleksiyon nitong Mayo 2019 makaraang mahulihan ng mga baril sa pamamagitan ng search warrant sa kanilang bahay.

Matapos makapagpiyansa sa mga kasong illegal possession of fire arms, hindi na ito dumalo ng hearing kaya naging wanted sa batas.

Alas-6:37 nang gabi ay ikinasa ang operasyon sa bahay ng suspek ngunit nang mapansin umano nitong pulis ang papara­ting ay kinuha nito ang sukbit na cal. 38 at pinatukan ang mga una na dumaplis.

Gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi ng negosyante. (Orlan Linde)