SAN ANTONIO, Zambales — Arestado ang dating Mayor ng ba­yang ito matapos silbihan ng search warrant at sabay na nahulihan ng mga armas sa kanyang tahanan kahapon nang madaling-araw.

Sa report mula kay Capt. Marvin Domacena, hepe ng San Antonio police, ang suspek ay kinilalang si San Antonio ex-mayor Romeo Lonzanida, 85-anyos, na naaresto dakong alas-tres nang umaga sa kanyang bahay sa Brgy. Burgos, San Antonio, Zambales.

Ang operasyon ay pinangunahan ng mga tauhan ng anti-kidnapping group na nakabase sa Camp Crame na nagsilbi ng warrant of arrest kaugnay sa mga armas nito na hindi nakare­histro at marekober ang mga baril na naayon sa kanyang warrant.

Nasamsam mula sa pagmamay-ari ni Lonzanida ang dalawang long firearms na M16 rifle at M14 rifle na may magazine at mahigit 50 klase ng bala. (Randy Datu)