Wanted na Koreano, sa airport natiklo

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang South Korean fugitive na wanted sa illegal gambling sa kanyang bansa.

Sa ulat na ipinarating kay BI Commissioner Jaime Morente, kinilala ang dayuhan na si An Byeonghyeon, 27, na pinigil noong Biyernes sa immigration departure area ng NAIA terminal 1.

“He was being processed at our counter when our primary inspector discovered that he is in the Interpol’s list of wanted fugitives. He was also traveling with a stolen travel document,” ayon sa ulat.

Pinayagang makasakay ang Koreano sa Aseana Airlines matapos ipinaalam ng BI sa mga awtoridad sa Seoul ang kanyang flight. Bunga noo’y nahuli ito pagdating sa Incheon airport matapos abangan ng mga Koreanong pulis.

Sa impormasyong nakalap sa BI Interpol, si An ay nakipagsabwatan sa iba pang mga hinihinalang Koreano sa pagpapatakbo ng isang illegal online gaming website na tinawag na “Syrub, Milk, Butter, Sugar” mula 2017 hanggang Marso ng taong ito.

Pinatakbo ng mga suspek ang kanilang raket mula sa isang tanggapan sa Maynila kung saan hinihingan nila ng gambling money ang kanilang mga kustomer na Koreano na tumaya sa mga resulta ng paligsahan sa palakasan.(Mina Aquino)