Isang bagitong pulis na responsable sa pagbaril at pagpatay sa isang abogado ang hawak na ngayon ng pulisya matapos sumuko sa Nueva Vizcaya.
Si PO1 Clifford Dulnuan, miyembro ng Diadi Police Station at residente ng Poblacion Diadi, Nueva Vizcaya ay wanted sa pamamaril at pagpatay kay Atty. Jemar Apada, tubong Kabugao, Apayao, ng 74 Soldiers Hill, Tuguegarao City.
Ang biktima na asawa ng isang pulis na si PO2 Jenny Apada, ay chief of staff ni Gov. Elias Bulut Jr. ng Apayao, na napatay noong Disyembre 1.
Ayon kay Chief Insp. Alexander Cabang, nagtungo sa kanilang himpilan ang ama ni PO1 Dulnuan para sa pagsuko na ang kanyang anak na ngayon ay nasa protective custody ng Nueva Vizcaya Provincial Public Safety Company sa bayan ng Bayombong.