Nagwakas ang higit tatlong taong pagtatago ng isang pugante sa Pampanga, matapos itong madakma ng pulisya sa Luisiana, Laguna.

Hindi na nakapalag ang suspek na kinilalang si Carlo Hain, 46, nang masakote ng magkasamang mga tauhan ng Pampanga Police, at Laguna Police sa loob ng isang farm sa Brgy. San Antonio kamakalawa nang umaga.

Sa ulat ng pulisya, una nang naaresto at nakulong sa Porac noong Mayo 2015 dahil sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga, ngunit nakatakas ito sa station locked up cell matapos dumaan sa sinirang kisame ng kulungan.

Sa tulong ng intelligence report, natunton si Hain na nagtatrabaho na sa cock farm sa Luisia­na.

Naiturn-over na ngayon ang pugante sa Porac police station. (Ronilo Dagos)