Naghahanap na ngayon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng mga pulis mula sa Police Regional Offices para boluntaryong ipalit sa isang libong police Caloocan na sinibak sa pwesto.

Ito ay matapos na ipagutos na ni PNP Chief Dir Gen Ronald Bato Dela Rosa kay NCRPO Chief Police Dir Oscar Albayalde maingat na pumili ng mga pulis kapalit ng mga sinibak na mga Police Caloocan.

“Naghahanap na rin ng volunteers na puwedeng pumunta dyan, [mula sa] iba ibang region,” sinabi ni Albayalde.

Sinabi pa ni Albayalde sasailaim sa mahigpit na background investigation ang mga pulis na itatalaga sa Caloocan PNP.

Matatandaang kahapon ay sinibak ni Albayalde ang buong pwersa ng Caloocan PNP matapos ang sunud-sunod na kontrobersyal na pagkakapatay sa mga menor de edad sa Caloocan city.

Kabilang pa ang nangyaring umanoy pagnanakaw ng mga pulis Caloocan sa bahay ng isang sibilyan na kuhang kuha sa CCTV Camera.