Nasawi ang isang lalaking wanted sa kasong panggagahasa matapos manlaban sa mga pulis na magsisilbi sa kanya ng warrant of arrest kamakalawa ng hapon sa Sta. Mesa, Maynila.
Namatay noon din sa dalawang tama ng bala sa dibdib ang suspek na si Selva Benito Jr., alyas ‘Tacks Penuliar’, 36, resident eng 921 Anonas St. NDC Compound, Sta. Mesa, Maynila.
Ayon sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon nang mamaril ang suspek matapos isilbi ang warrant dito, dahilan para gumanti ng mga putok ang pulis na nagresulta sa kanyang kamatayan.
Kabilang umano sa drug watch list ng pulisya si Benito at nakatakas lamang sa unang isinagawang operasyon pero naaresto naman ang kasama nitong si Noel Semon.