Kailangan umanong i-update at imodernisa ang approach ng gobyerno para mapigil ang patuloy na operasyon ng mga drug syndicate sa bansa.

Ito ang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III lalo na at nagkakaroon ng sabwatan ang mga sindikato ng droga at mga tiwaling pulis sa operas­yon ng kalakalan ng iligal na droga sa Pilipinas.

“Despite the various measures currently in place to curtail this social ill, the war against it has not yet been won,” pahayag ni Sotto.

Dahil dito, naghain si Sotto ng Senate Bill 3 na naglalayong magbuo ng Presidential Drug Enforcement Authority para palakasin ang kampanya laban sa iligal na droga at bigyan ang gobyerno na matalim na ngipin para puksain ang mga drug trafficker at mga kasapakat nilang mga pulis.

“The measure will unify the four major prog­rams in the campaign against illegal drugs into a single government agency. It seeks to put in sync the enforcement, prosecution, prevention and rehabilitation fronts of the drive,” ani Sotto.

Sa kasalukuyang set-up, sinabi ni Sotto na bigo umano ang PDEA, Philippine National Police at National Bureau of Investigation na masugpo ang illegal drug operation sa bansa. (Dindo Mati­ning)