‘War on drugs’ nawalan ng kredibilidad — Drilon

Mandato ng MMDA sa EDSA repasuhin

Inihayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na nawalan umano ng kredibilidad ang kampanya kontra droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng kontrobersiya tungkol sa ‘ninja cops’ kung saan nadadawit ang pangalan ni Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde.

Ayon kay Drilon, nakasira sa kanyang imahe bilang PNP chief ang pagkakasama ni Albayalde sa katiwalian sa isang anti-drug operation na nangyari noong 2013 sa Pampanga.

“Given the ‘tokhang’ campaign, which has killed thousands of people and supposedly drug dealers, the drug campaign loses its credibi­lity when you hear of these allegations between high-ranking officials of the PNP,” pahayag ni Drilon sa pa­nayam ng mga reporter kahapon.

“I don’t really know what he can do. His credibility is tarnished one month before he retires,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)