Pagkatapos ng All-Star festivities, balik sa giyera ang Golden State para maghabol ng momentum papasok ng playoffs.

May natitira pang 25 games sa regular season ang Western Conference-leading Warriors (41-16).

Papasok ng final stretch ay isa ang Warriors sa hottest teams sa kasalukuyan, naipanalo ang 16 sa huling 18 laro.

Sa 57 games, bihirang magpakita ang depensa ng Golden State na ka­sing-angas noong 2016 na pinagsisimulan ng kanilang signature runs.

Minsan ay nabanggit pa ni coach Steve Kerr na mukhang pagod ang kanyang team at late o kaya ay nawawala sa defensive rotations.

Noong nakaraang taon, sa regular season ay 11th-ranked sa liga ang Warriors kung pag-uusapan ang depensa.

Pagdating ng playoffs, sa pangunguna ni Draymond Green ay sila na ang best defensive unit.

Ang dating Defensive Player of the Year na si Green ang cornerstone ng Warriors defense. Kapag wala siyang iniinda, may problema ang ibang teams kung paano babasagin ang depensa ng Warriors.

“He’s always in that conversation (DPOY),” wika ni Kerr. “There’s only a handful of guys that will be in that conversation every year. Draymond is one of them.”

Off the bench ay maganda rin ang inila­laro nina veterans Shaun Livingston, Andre Iguodala at Jonas Jerebko, maaasahan din si big man Kevon Looney.

Nakabalik na si DeMarcus Cousins mula torn Achilles pero pigil pa ang minuto. Nag-a-average si Cousins ng 15.2 points, 7 rebounds at 6 assists sa loob ng 21 minutes.