Warriors dynasty tapos na

Puro kamalasan ang natatamo ngayon ng Golden State Warriors sa 74th National basketball Association 2019-2020 regular season games.

Kahit sabihin na masyado pang maaga para hatulan, kung titingnan ay tila tapos na nga ang maliligayang taon ng koponan.

Kasalukuyang may 1-3 win-loss record sa standing ang Warriors. Nilampaso sila ng Los ­Angeles Clippers, Oklahoma City Thunder at Phoenix Suns, na dating tinatambakan lang ng GSW.

Katapusan na nga ba ng kanilang era?

Sa nakaraang season na natapos nitong Hunyo lang, sinungkit ng Toronto Raptors sa kanila ang kampeonato.

Sa kanilang huling anim na laro, puro injury ang kinahihinatnan ng Warriors.

Noong Game 5, natamo ni Kevin Durant ang Achilles injury habang nu’ng Game 6, na-ACL ­injury si Klay Thompson, na kasalukuyang nakaupo pa ngayong season.

Sa huling laro vs Suns, na-injury ang wrist ni Stephen Curry, at wala na si Andre Iguodala sa kanila.

Sa aking palagay, malabo nang magkampeon ang Warriors ngayon.

Aminado rin si Draymond Green na walang kwenta ang kanyang team ngayon.
Abangan ang ikaapat na kampeonato ni LeBron James!

***

Kung kayo po ay may nais itanong o mag-reaksiyon, mag-email lamang po sa alecpaolo2016@gmail.com.

Patuloy niyo rin pong suportahan ang online show ng Abante, ang Sportalakan ni host Sarah Jireh Asido, tuwing Martes ng alas-sais nang gabi po.

At abangan din po ang Abante Palakasan kung saan tampok ang iba’t ibang sports sa Abante News Online FB page na tnt.abante.com.ph.

Hanggang sa susunod pong Sabado. Maraming salamat po!