Warriors nagwalis sa tennis

Sumakay ang UE sa matikas na laro ni rookie AJ Lim at winalis ng Warriors ang first round ng UAAP Season 79 lawn tennis tournament sa Rizal Memorial Tennis Center nitong weekend.

Sinorpresa ng Warriors ang defending champion NU 4-1 bago isinunod ang De La Salle 3-1. Undefeated sa five ties ang UE, perpekto rin sa five singles matches ang 17-anyos na si Lim, sa kaagahan ng buwan ay naglaro sa Philippine Davis Cup team.

Naligtasan ng UST ang DLSU 3-2, pero yumuko sa Ateneo 2-3 sa sumunod na laro. Tabla ang Tigers at Bulldogs sa second place sa 2-2

Sa women’s, unbeaten din sa first round ang titlist Lady Bulldogs matapos biktimahin ang Lady Maroons at Lady Archers sa parehong 4-1 results. Walang talo sa four ties ang NU sa likod ng magkatapid na Clarice at Christine Patrimonio.