Warriors pipirata kay Giannis

Bisita ng Golden State sa Chase Center si Giannis Antetokounmpo at ang Bucks nitong Miyerkoles, kaya napaypa­yan na naman ang balak ng Warriors na bingwitin sa San Francisco ang reigning MVP.

May intriga noon bago ang season na lalayasan ni Anteto­kounmpo ang Milwaukee para tumawid sa Bay Area.

Unrestricted free agent na ang Greek Freak tapos ng 2021, pero sa July ay may pagkakataon siyang pumir­ma ng extension sa Bucks.

Parang Kevin Durant lang noong 2016 nang malambat ng Warriors?
Ayon kay Monte Poole ng NBC Sports, “dreaming” ang Golden State na mabingwit si Antetokounmpo.

Mas konkreto ang inilahad ni Connor Letourneau ng The Chronicle kung paano makukuha si Giannis.

Papipirmahin aniya bilang free agent sa 2021, sign-and-trade sa Milwaukee sa 2021, o maglalatag ng trade sa Bucks sakaling tablahin ni Giannis ang extension.

Siyempre pa, nakakalulang pera ang involved. Handa kaya ang Warriors na iligwak alinman kina D’Angelo Russell, Klay Thompson o Draymond Green?
Malabong si Steph Curry.

Sa 2021, 31 na sina Thompson at Green, 26 naman si Giannis.
Iisa ang agent nina Antetokounmpo at Warrior Damion Lee, si Alex Saratsis.

Dikit sina Anteto­kounmpo at Curry. Noong 2018 All-Star Game, si Curry ang captain ng isang team at first pick niya si Anteokounmpo. Ibinalik ni Giannis ang pabor nitong 2019.

Matagal pa ang 2021, marami pang mangyayari. Pero daig ng maagap ang masikap, kaya abangan. (VE)