SACRAMENTO — Nakabawi ang Golden State Warriors sa petik-petik na first half nitong Linggo (Lunes sa Manila) at nakaiwas sa back-to-back losses, sa pamamagitan ng 117-106 win kontra Sacramento Kings.
Inilista ng Warriors ang 32-6 record sa season at nakabalikwas pa mula sa 128-119 loss sa kamay ng Memphis noong Sabado, sa larong sinayang nila ang 24-point lead.
Tumapos si Stephen Curry na bitbit ang 30 points, nagdagdag si Kevin Durant ng 28 para sa Warriors na lumaro ng 124 sunod nang walang magkasunod na talo, na siyang longest streak sa NBA history.
Nag-ambag si Klay Thompson ng 18 points at may 10 points si Zaza Pachulia.
Bukod dito, tinalo ng Warriors ang Kings sa ika-13 sunod na pagkakataon.
Nag-contribute din si Draymond Green ng nine points, 10 assists at seven rebounds.
Samantala, nagtala si Mike Conley ng 19 points at nine assists at tinalo ng Memphis Grizzlies ang Utah Jazz, 88-79.
Nagposte si forward Zach Randolph ng double-double — 13 points at 11 rebounds.
“I was really happy with the effort,” lahad ni Grizzlies coach David Fizdale. “We gave it from start to finish.”
Ang error-prone Jazz ay nalaglag sa 23-16 record sa season. Habang 24-16 naman ang Grizzlies.