OAKLAND, California — Kalsado na ng Boston Celtics ang two-game skid sa kakaibang style, pasabog sa fourth quarter para sorpresang matimbog ang Golden State Warriors, 99-86, sa 71st NBA 2016-2017 season eliminations game Huwebes (Manila time) sa Oracle Arena rito.
Nagbalikatan ang Celtics at Warriors sa mahirap na back-and-forth battle sa first three quarters na may six lead changes, six ties. Naiungos ni Stephen Curry ang GSW sa 74-72 pa-fourth nang maunahan ang third period buzzer sa triple at ilang trash talk kay rookie Jaylen Brown.
Bugbugan pa rin sa maaga ng fourth quarter, sa three lead changes sa first four minutes ng period. Pero ang 15-0 run, na pinagliyab ng back-to-back triple ni Jae Crowder ang nagpadistansya sa Celtics ng 93-79 4:00 left.
Makaraan ang 5-0 Warriors counter, tumugon si Avery Bradley ng midrange jumper na nagbalik sa double digits at nakakrusyal steal si Isaiah Thomas bago naisalpak ang pair of free throws na naglagak sa Boston sa 97-84 1:36 to go. Naka-putback slam si Bradley sa miss ni Thomas sa pagpasan sa laban ng Warriors.
Piasok ng league leader sa fourth quarter points (10.6) na si Thomas ang pito sa team-high 25 points niya sa final frame kabilang ang triple sa panapos na ragasa ng Celtics (41-24). Kumampay si Kelly Olynyk ng 17 markers off the bench. Naka-12 si Bradley at may 10 pa si Al Horford.
Nagsampay sina Klay Thompson at Curry ng 25 at 23 markers, ayon sa pagkakasunod, para sa Golden State na lumagpak sa 52-11 sa pagkalagot ng two-game win streak. Pero scoreless na si Curry sa fourth, at may isang puntos lang si Thompson. Nagkahon si Draymond Green ng 13 points at eight rebounds.
Abante na lang ang Warriors sa rumaragasang San Antonio Spurs ng 1.5 games sa West standings tapos ng pagkatalong ito.