Warriors vs. Bulldogs sa Guam semis

guam-basketbal-invitational-tournament-

Lumanding sa second place ang University of the East sa preliminary round ng Guam Invitational Basketball Tournament matapos ­matalo sa Team Guam, 80-63 noong sa University of Guam Fieldhouse.

Kinumpleto ng Guamanians ang three-game sweep matapos kalsuhan ang two-game winning run ng Red Warriors.

May 22 points si Alvin Pasaol, kumayod si Edgar Charcos ng 11 sa UE.

Kapos para sa double-double si Joe Blas na nagkamada ng team-high 19 points at nine rebounds para sa Team Guam, kasama sa roster ang former Adamson forward na si Will Stinnett.

Nilapa naman ng National University Bulldogs ang University of Guam, 90-38 para tumapos sa third na may 1-2 record.

Pinangunahan ng 16 ni Jay Alejandro ang Bulldogs, makakasagupa ang Warriors ngayong alas-kuwatro ng hapon (Manila time) sa semifinals.

Makakatapat ng Guamanians ang fourth-seeded na Tritons sa 6 p.m. (Manila time) sa ibang semis pairing.

Bukas ang one-game championship.

Lumaro ang UE at NU sa event bilang parte ng kanilang paghahanda sa UAAP men’s basketball tournament na magbubukas sa susunod na buwan.