Warship ng China ang nang-harass

Gary Alejano

Hindi Coast Guard ng China ang nang­-harass sa mga mangingisdang Pinoy sa Union Bank sa West Philippine Sea kundi Chinese Navy na sakay ng gray ship o war fighting ship.

Ito ang natuklasan ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano matapos bisitahin ang mga ma­ngingisda sa Sisima, Mariveles, Bataan na hinaras at pinaputukan pa umano ng Chinese Navy sa loob ng ating teritoryo.

“According to the initial reports, it was the Chinese Coast Guard that was involved in the Union Bank incident. However, in our meeting with the fishermen themselves, we were able to know that it was ­actually a Chinese Navy ship,” ani Alejano.

Nangangamba ang mambabatas na ­dahil sa pagpasok ng Chinese Navy ship sa teritoryo ng Pilipinas ay ­posibleng magdulot ito ng mas ma­laking problema dahil malamang ay gumawa na ng Mutual Defense ­Treaty (MDT).

Ikinadismaya din ng mambabatas ang kawalan umano ng aksyon ng mga ahensya ng gobyerno na kausapin ang mga ­mangingisdang sakay ng Princess Johanna kaugnay ng kanilang kara­nasan sa mga Chinese Navy kaya ang ­Local Government Unit (LGU) na lamang ng ­Bataan ang magpapasa ng ­re­so­lusyon para kondenahin ang China.