KUALA LUMPUR – Naituloy ni Kiyomi Watanabe ang dominasyon sa women’s judo, naka-gold din ang national men’s poomsae team nitong Sabado sa 29th Southeast Asian Games.
Pinagbandahan ni Watanabe ang husay nang idemolis ang tatlong mga karibal lahat sa ippon tungo sa pangatlong sunod na gold sa 11-country, biennial sports extravaganza.
Huling biktima ng Filipino-Japanese na nagdiwang ng kanyang 21st birthday noong Biyernes si Orapin Senetham ng Thailand sa gold medal match -63kg category, rematch ng 2015 Singapore SEA Games.
“Hindi pa rin madali ito para sa akin. Mataas ang pressure dahil inaasaan ako rito. It wasn’t easy,” wika ng judoka sa pamamagitan ni interpreter-mother Irene Watanabe. “Pero ginawa ko lang ang abot ng aking makakaya para sa bansa.”
Una ng ilang minuto lang bago ang ginto ni Watanabe ang patuloy na pag-hahari ng national men’s poomsae team nina Dustin Jacob Mella, Raphael Enrico Mella at Rodolfo Reyes, Jr.
Nagposte ang PHL triumvirate ng 8.40 points pa-gold, duplikasyon ng mga nagawa nila sapul pa noong 2013 SEAG sa Naypyidaw (Myanmar).
Napunta sa Malaysia ang silver at sa Indonesia ang bronze.
Si Reyes din ang dumale ng bronzesa men’s individual poomsae, ang women’s poomsae team nina Jocel Lyn Ninobla, Rinna Babanto at Juvenile Crisostomo ay bronze din sa 8.27 points.
“All the hard work and sacrifices paid off,” ani Dustin, 22, tapos ng Business Economics sa UP-Diliman. “Lahat ng hirap namin sa training was all worth it.”
Nakalayo pa ang mga Pilipino sa Myanmar na humahabol sa sixth place sa medal standings sa taglay ng 17-24-41 gold-silver-bronze medals. No. 1 pa rin ang Malaysians sa 77-52-49.