Water crisis probe hinarang ni Arroyo

Tinuldukan na ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang imbestigasyon ng Kamara sa water crisis.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Spea­ker Arroyo na sapat na ang nakuhang impormasyon sa nakaraang imbestigasyon ng kapulungan.

“I think that’s it. I’m going to ask the Congress to terminate already the hearings because they’ve already heard what they have to hear for the immediate term,” saad ni Arroyo.

Binanggit pa nitong nailatag na ng Manila Water sa joint committee ng Kamara ang kanilang solusyon sa problema ng kakulangan ng supply ng tubig.
Isa sa pansamantalang solusyon ay ang pagbubukas ng cross border flow upang ma­bigyan ng Maynilad ang Manila Water ng tubig. Sinaksihan pa ni Arroyo ang pagbubukas ng valve nitong nagdaang araw.

Binanggit din ni Arroyo, iinspeksyunin niya ang deployment ng stationary tank sa Addition Hills sa Mandaluyong at ang Cardona Water Treatment Plant.
Subalit, nang tanu­ngin kung marapat lang na hindi muna magba­yad ang mga customer ng Manila Water sa panahong wala silang tubig, iwas-pusoy naman si Arroyo.

Matatandaan ikinagalit ni Pangulong Rod­rigo Duterte ang pagkawala ng tubig ng mga customer ng Manila Water kaya’t nagbanta itong puputulin ang concession agreement. Idinamay din ng Pangulo ang Maynilad at ang mga opisyal naman ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ay gustong ipasibak.