Kung hindi kikilos ngayon ang gobyerno, magkakaroon ng water crisis sa Metro Manila, tatlong taon mula ngayon.
Ito ang ibinabala ni Agbiag party-list Rep. Michelle Antonio kaya hiniling nito sa Kongreso na seryosohin na ang paghahanap ng solusyon sa problemang ito bago magkaroon ng krisis sa tubig.
“It is high time we make a new Water Supply Masterplan and identify alternative water sources,” ani Antonio dahil kung hindi ay mas malaking problema ang kakaharapin ng Metro Manila.
Ayon ay Antonio, 97% ng water supply ng Metro Manila ay mula sa Angat Dam, subalit pagdating, aniya, ng 2020 ay posibleng hindi na kayang suplayan ng tubig ang mahigit 15 million Manilenos.
Maliban dito, dagdag na problema rin ang bansa ng Big One o ang paggalaw ng West Valley Faultline na malaking bansa, aniya, sa Angat Dam.
Ang mabuting gawing mo Agbiag party-list Rep. Michelle Antonio, tumulong ka kung papaano bababa ang presyo ng bigas na kayang maabot ng mga mahihirap. Masyadong abante ang utak mo eh pinang-iisipan na yan bukod sayo.