Water interruption pasakalye sa taas presyo?

Binira nina senatorial candidate Neri Colmenares at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang Manila Water at Maynilad sa malawakan at walang abisong water interruption sa National Capital Region (NCR) at katabing lalawigan ng Rizal at Cavite.

“Nakakagalit na libo-libong kababayan natin ngayon ang binulaga at nagtitiis na walang tubig habang napaka-init na ng panahon. Ni walang panligo o panlaba man lang ang mga tao dahil walang abiso ang pagkawala ng tubig at sa minimum ay dalawang araw na ito,” banat ni Colmenares.

Ayon pa sa senatorial bet ng Makabayan, hindi ­uubra ang paliwanag ng Manila Water at Maynilad na bunsod ito ng El Niño dahil ito ay isang ‘predictable weather phenomena’ na puwedeng paghandaan.

“This should be remedied at the soonest time possible because water is a basic need. Kapag magtataas sila ng singil ang bibilis pero kapag sa serbisyo naman ay ang babagal,” diin ni Colmenares.

Nagbabala naman si Rep. Zarate na posibleng pa­sakalye lamang ang mga water interruption sa rate hike o sa pagpapatayo ng dam, tulad ng Kaliwan-Kanan dam na itinutulak ng gobyerno.

“We should also be vigilant that these water interruptions would not be used by government and vested interests to foist another supposed ‘water crisis’ to justify their destructive dam projects,” ani Zarate.
Humingi na ng paumanhin sa kanilang mga customer ang Manila Water na pag-aari ng mga Ayala dahil sa pagkawala ng supply ng tubig sa East Zone. Noong Biyernes, inanunsyo ng Maynilad ng binatang negos­yanteng si Manny V.
Pangilinan na magkakaroon ng ­water service interruption sa West Zone ng Metro ­Manila mula Marso 10 hanggang 11.