Patuloy sa pagbaba ang level ng tubig ng ilang water dam sa bansa.
Ito ang inihayag ng Philippine Atmos-pheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa),kabilang na dito ang Angat at Ipo Dam.
Ayon sa Pagasa, ang water level sa Angat Dam at Ipo Dam nitong linggo ay umabot sa lalim na 165.74 meters at 100.74 meters.
Kumpara sa level ng tubig na naitala noong Sabado ang Angat Dam ay mas mababa ng 0.41 meters habang ang water level ng Ipo Dam ay bumaba ng 0.03 meters sa kabila ng mga nararanasan na pag-ulan.
Ang water level sa dalawang dam ay nananatiling mas mababa sa normal high water level.
Samantala, ang water level ng iba pang dam sa bansa ay mababa na rin sa kasalukuyan.
Kabilang na dito ang La Mesa Dam, Ambuklao Dam, Binga Dam, Pantabangan Dam, Magat Dam, at Caliraya Dam. (Juliet de Loza-Cudia)