Sa aquatics — men’s water polo sa National Aquatic Centre, naisahan ang PH squad ng Malaysia, 8-7, para sa 1-1 win-loss record tapos mabulaga noong Martes ang 2015 silver medalist Thailand (9-7).
Nakapagsalpak pa si Alamar Mumar ng buzzer-beating mula sa 30-sec. shot clock na hindi nasawata ni Malays goalkeeper pero na-nullified ng referee na not-counted.
Must-win ngayon ang Nationals sa nagmomonopolyo ng ginto rito na Singapore upang matuloy na maging contender sa gold medal match.
Sa netball, nabaon sa 0-2 ang mga Pinay sa paglasap ng 69-32-69 defeat sa Brunei wala pang 24-oras pagkatapos ng 86-16 pagkakalampaso sa Thailand.
Sa halos hatinggabi na natapos na opening games sa football noong Martes, binokya ng PHL XI ang Cambodia 2-0 sa 16,000-seater Selayang Stadium.
Hindi nagpaiwan ang women’s team na pumoste ng 2-1 win sa Malaysians sa UiTM Shah Alam sa Selangor.