Naipagtanggol ni Victorio Saludar ang World Boxing Organization (WBO) minimumweight title via unanimous decision win kontra Japanese fighter Masataka Taniguchi Martes nang gabi, Pebrero 26, sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Mga koneksyon sa kanyang jab at overall performance ang nagpahanga sa judge kaya naging matagumpay ang title defense ng 28-year-old Pinoy boxer na tubong Polomolok City.

Bitbit na ngayon ni Saludar ang 19-3, 10 KOs na professional record habang dulas naman sa 11-3, 7 KOs ang win-loss record ng Hapones.

Ito rin ang unang pagkatalo ni Taniguchi sa isang Pinoy matapos pabagsakin ang unang anim na mga nakabanatan.

Mas maliit man ng tatlong sentimetro si Saludar, naging mabangis naman siya sa lona lalo na’t mas naging epektibo ang kanyang mga suntok at mas maliksi ito sa lona.

Huling nanalo si Saludar kontra Japanese ring si Ryuya Yamanaka sa Kobe, noong nakaraang taon.