WCWC fever ramdam na sa Manila

Dumating na sa bansa nitong Biyernes si Rio Olympics MVP Zhu Ting at iba pang volleyball giants, handa na sa rambulan sa FIVB Women’s Club World Championships sa Martes sa MOA Arena.

Giniyahan ang China sa gold sa Rio noong August, babanderahan ni Zhu ang solidong VakifBank Istanbul sa torneo na i­norganisa ng Philippine Superliga at Eventcourt, suportado ng TV5, Petron, Asics, BMW at F2 Logistics, Diamond Hotel at Turkish Airlines.

Handa na rin dumipensa ang reigning titlist Eczacibasi VitrA Istanbul, ready to rumble na ang Rexona-Sesc Rio at Pomi Casalmaggiore ng Italy.

Ipaparada ng Eczacibasi VitrA sina Tijana Boskovi , Titiana Koshe­leva at Jordan Larson, sina Gabi Guimaraes, Juicely Barreto at Anne Bujis sa Rexona-Sesc Rio. Sabay dumating ng Brazilian squad sina Carli Lloyd, Valentina Tirrozi at buong Pomi Casalmaggiore squad.

“I’ve been looking forward to this trip,” ani Gabi. “It’s really a tough competition. The best volleyball players will be competing so it will be great.”

Unang dumating ang Volero Zurich team Huwebes ng gabi. Nga­yong araw ang lapag ng Hisamitsu Springs Kobe at Bangkok Glass.

“The World Club Championship fever is starting to be felt,” ani PSL president Ramon Suzara.

Ang home squad ay kakatawanin ng PSL-F2 Logistics Manila na may pitong locals at pitong imports.